This page is dedicated to our friend and our chosen family, Jessie, who is also a member of the social impact organization Lahat ng Bata.
Notes from Jessie...
Bata pa lang ako, magkakalaro na kami nila Mary Joyce, Hersielyn at Rain. Lahat na pwede malaro ay gagawin namin, hanggang sa eskwelahan nagkikita kita kami na sabay papasok minsan sabay sabay uuwi. Hanggang sa nag-high school kami na nagkakaroon na ng mga ibat - ibang kaibigan, at the end of day kami pa rin ang nagkikita kita sa tambayan nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Madami kaming bagay na dinadaydream at minamanifest lagi na gusto mangyare someday. Madami kami gusto minsan parang delulu na kami.
Nakagraduate na ko ng Highschool pero hindi ako pinalapad makapag enroll ng college dahil nagsisimula na tumanda ang Lola ko na nagpalaki at nagpaaral sa akin, sa hindi inaasahan nagkaroon siya ng malubhang sakit (stroke) kalahati ng katawan ng aking lola ang bumagsak. Kailangan ko unahin at alagaan ang lola ko. Kailangan ko din magtrabaho dahil hindi ako pwede manghingi ng pera sa sitwasyon ng aking lola. Sa tulong ng aking tyahin at lakas ng loob ng aking lola nagawa niyang tumagal ng tatlong taon, ngunit isang araw inatake ulit siya mg kanyang sakit at tuluyan ng namaalam ang aking lola sa amin.
Dahil sa pagkawala ng aking lola, nahirapan ako tanggapin ang nangyare, araw-araw ako nagluluksa. Nagtatrabaho ako sa isang fastfood nung mga panahon. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos sa tuwing may customer na maglola na kumakain, nagbebreakdown ako at nagtatago ako hanggang sa kumalma ako. Nagresign ako dahil naapektuhan na ang kilos at di ako makafocus sa ginagawa ko. Umalis na din ang mga tao sa bahay at ako ang natira. Ang tanging karamay at pahinga ko lang ang mga kaibigan sila na ang naging pamilya ko that time.
Sila na ang lagi ko kasama ko tuwing gabi pagkatapos ng araw nila sa eskwelahan at trabaho. Nagkakape kami at nagkukwetuhan ng pangarap at gusto mangyari at gawin kasama dito ang mga bagong bata sa Pag-asa na mga kaibigan rin Rain.
Naalala ko pa rin yung araw (pandemic) na nagbrainstorming kami habang nagkakape. Rain came with an Idea “Lahat ng bata” and lahat kami overwhelmed na mangyari ito at ngayon marami na kami community library na napatayo sa iba’t ibang lugar. Nabalita na din kami sa tv, newspaper at nagkasponsors kaya nagawa namin ang lhat ng ito. hindi ko makakalimutan yung moments na pag aayos ng libro at pagtago ng mga ito dahil sa pagulan, pagtapos ayusin maliligo sa ulan, at yung community library sa Aringay, La union. Yung mga bata sobra silang excited sa libro at sa mga story books kahit yung iba sa kanila limitado ang alam na tagalog. Nagpafacepaint sila nag gawa sila ng barko at eroplano gamit ang mga colored paper. Malaking bagay rin sa amin ang mga nakilala namin sa Aringay na nakipag-collaborate para maging successful yung community library.
Sana tumagal pa ang Lahat ng bata para marami pa kaming mapuntahan lugar na matayuan ng community library para sa mga batang nangangarap.
2021 noong una nating nalaman yung condition mo. From that moment, we all know this will be a long journey. You called us many things, tinawag mo kaming pamilya, your happiness, diamond, and your treasure...
Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Sobra akong nasasaktan Jessie. Gusto kong magsulat nang kagaya ng pagsusulat ni Rain pero hindi ko alam kung papano ko sisimulan at tatapusin...
Kapag makukulong ako, siguradong sasamahan ako ni Jessie. At alam niya na kapag may gumawa ng mali sa akin, hindi ako gaganti kaya siya na ang bahala. This is the dynamic of our relationship. I'm a yapper...